Thursday, April 29, 2010

“HAYAAN SIYANG PUSO”

Gustuhin ko mang makapiling ka
Ay siyang hindi ko magagawa
Dahil sa ating pagkakaiba
Na di natin sinasadya.

Naisin man nating maging Malaya
Ipakita ang sinasaloob sinta
Maipadama ang nasasaloob
At maipahayag ng mapayapa

Ngunit hindi maintindihan ang kapalaran
Na sa atin ay siyang humahadlang
Pinaglapit ang katauhan
Ipinagbawal ang pag – iibigan.

Ang hirap mabuhay sa mundong ito
Kung anong bawal ay siya nating gusto
Ba’t din a lang hayaan siyang puso
Na hanapin ang sinasaloob nito.

No comments:

Post a Comment