Thursday, April 29, 2010

“LAGING NARIRITO”

Minahal kita kahit di ko sinasadya
Naghahanap ng eksplenasyon
Ngunit puso’y walang makapa
Bigla na lang itong nadama ng kusa.

Alam man ang maging kahihinatnan
Nang pag – ibig na ating sinimulan
Ngunit pilit na nakipagsapalaran
Upang muli aki’y masubukan.

Kaligayahang panumbalian
Galak ay di matutumbasan
Pighati at kalungkutan
Dumating ng walang katwiran.

Tinanggap ko ang iyong paglisan
Ngunit puso ko’y nananambitan
Patuloy paring nasa puso’t isipan
Pero di umaasa na muli mong balikan.

Kaligayahan mo’y aking kasiyahan
Pighati mo’y aking kasawian
Dama ko ang iyong nararamdaman
Heto ako’t handa kang damayan.

Patuloy pa rin akong narito
Matapos man ang lahat ng ito
Hiling ko lang sana’y wag magbago
Laging nandiyan kung kailanganin ko.

No comments:

Post a Comment