Thursday, April 29, 2010

“SALOOBIN”

Kung kakayanin ko lang sanang
Pahintuin an gating mundo
Walang pag – aalinlangang
Gagawin ko ang lahat ng ito.

Para lang ika’y makausap
At makapiling ng matagal,
Nang walang gumagambala
At anumang sagabal.

Maraming ibig iparating
Ang saloobin nitong damdamin,
Ngunit tila isang pipi
Kapag ika’y dumarating.

Sadyang kayhirap ipadama
Ang lihim na aking pagsinta,
Lalo pa’t nakakulong akokong
Sa madilim kong alaala.

Kung ikaw lang sana’y
Sadyang Marunong umunawa,
Saloobin nating dalawa’y
Tiyak na magkakatugma.

No comments:

Post a Comment