Thursday, April 29, 2010

“TAGONG PAG – IBIG”

Kaysarap sa aking damdamin
Kapag ikay’y nasisilayan,
Malayo o malapit
Kontento ng ika’y matitigan.

Di man kita magawang kausapin
Sa puso’t isipa’y ikaw pa rin,
Laman ka ng aking damdamin
Sinisinta’t pakamamahalin.

Tumingin ka naman sa akin irog
Dahil puso ko’y parang mahuhulog
Labis na kaba sa aking dibdib
Dulot ng iyong bulaklaking bibig.

Takot ka mang ako’y kausapin
Sa tinginan man lang ako’y unawain,
Inis man sa di mo pagpansin
Ayo slang ang lahat sa akin.

Iwasan mo man aking pagtingin
Dedmahin man ako at tuluyang lisanin
Wag sanang ipagkait sa akin
Patagong pag – ibig nitong damdamin.

No comments:

Post a Comment